Food Blog (Alex)

Pininyahang Manok sa Gata (Pineapple Chicken in Coconut Milk)


Ang Pininyahang Manok sa Gata o Pineapple Chicken in Coconut Milk sa wikang Ingles ay ginawa sa pamamagitan ng pagkulo ng mga piraso ng manok sa sarsa na gawa sa gata o coconut milk, bawang, sibuyas, patatas, karot, asin, paminta, mga tipak ng pinya at iba pa. Ito ay perpektong pang-pilipinong nilagang manok na maaaring mong ma-ihanda para sa iyong pamilya sa tahanan. Ang Pininyahang Manok sa Gata ay isang klasikong pang-pilipinong putahe na tanyag sa mga nakakatuwang lasa mula sa gata o coconut milk at maasim na kombinasyon ng mga pinya. Pinakamainam itong ihain kasama ng mainit na umuusok na kanin at maaari din itong ihain sa mga regular na araw at maging sa mga espesyal na okasyon at selebrasyon. 

"Pineapple Chicken in Coconut Milk"

Sa unang hakbang sa paggawa ng putahe na ito ay kinakailangan munang ibabad ang manok sa pineapple juice na nasa lata ng Delmonte Pineapple Tidbits sa loob ng 30 minuto hanggang 2 oras. Habang naghihintay sa proseso na ito ay ihanda na ang mga kasangkapan at mga gagamitin sa pagluluto. Madali lang ang pagluluto ng pininyahang manok sa gata at kinakailangan lamang ng mahabang pasensya upang maging matagumpay ang pagkakalikha ng pagkaing ihahain para sa iyong pamilya. Ang paraan ng pagluluto na makikita sa ibaba ay magsisilbing gabay sa iyo sa mga mahahalagang hakbang na kailangan mong gawin.

Pininyahang Manok sa Gata (Pineapple Chicken in Coconut Milk):


Oras ng Paghahanda: 30 minuto

Oras ng Pagluluto: 1 oras

Kabuuang Oras: 1 oras at 30 minuto


Mga kasangkapan sa pagluluto:

  • 1 kilo ng manok     
  • 1 lata ng Delmonte Pineapple Tidbits
  • 1 lata ng Cocoxim Organic Coconut Milk Unsweetened
  • 4 na butil ng bawang 
  • 1 piraso na sibuyas 
  • 1 piraso na kamatis 
  • 2 maliit na patatas 
  • 1 maliit na carrot 
  • 1 piraso ng red at green bell pepper (hiniwa)
  • 1 1/2 kutsara ng patis
  • 4 o 5 kutsara ng mantika
  • Asin at paminta (para sa pampalasa)

Pamamaraan ng pagluluto: 

  1. Ihanda ang kawali at magpa-init ng mantika sa loob ng 5 minuto.
  2. Pagkatapos ng 5 minuto ay ilagay ang bawang at sibuyas at igisa ito ng ilang minuto hanggang maging light brown ito. 
  3. Ilagay ang mga hiniwang manok at igisa ito hanggang sa mag-iba ang kulay. Pagkatapos ay ilagay ang patis at gisahin ito hanggang sa mawala ang amoy ng patis. 
  4. Ilagay ang syrup galing sa pineapple chunks (isantabi ang pineapple chunks).
  5. Takpan ang kawali at hayaan itong maluto sa loong ng 10 minuto gamit ang katamtamang apoy. Pagkapos ng 10 minuto ay hinaan ang apoy.
  6. Ilagay ang kamatis, patatas, carrots, pineapple chunks at gata. Haluing mabuti ang mga sangkap at siguraduhing mahina ang apoy upang hindi magbuo-buo ang gata. 
  7. Takpan ang kawali at hayaan itong maluto ng 8-10 minuto at panatilihing mahina ang apoy hanggang sa lumambot ang mga gulay.
  8. Lagyan ng asin at paminta kapag lumambot na ang mga gulay. 
  9. Ilagay ang mga bell peppers sa kawali at haluin ito. Hayaan itong maluto sa loob ng 2-3 minuto.
  10. Ilipat ang pininyahang manok sa mangkok at ihain ito sa lamesa habang ito'y mainit pa. Ihain ito kasabay ng bagong saing na kanin.